Saturday, August 03, 2024

 Hajji Mahigit isandaang milyong piso ang itinaas ng panukalang budget ng Department of Transportation para sa susunod na taon.


Sa isinumiteng 2025 National Expenditure Program ng Department of Budget and Management sa Kamara ngayong araw, nakasaad na 180.9 billion pesos ang alokasyon para sa DOTr na mas mataas kumpara sa 73.9 billion pesos sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act.


144.8 percent na mas mataas ang pondo ng ahensya na gagamitin para sa funding requirements sa major rail, land, air at sea transportation projects.


Kasama sa popondohan ng DOTr ang Active Transport Bike Share System and Safe Pathways Program na may 60 million pesos; 12.7 billion pesos para sa Cebu Bus Rapid Transit Project, Davao Public Transport Modernization Project at Public Utility Vehicle Modernization Program.


64 million pesos din ang ilalaan para sa EDSA Busway project.


Samantala, nakapaloob sa Rail Transport Program ang 107.3 billion pesos na pondo na mas mataas ng 810 percent kumpara sa kasalukuyang budget kung saan kasama ang North-South Commuter Railway System, MRT-3 Rehabilitation Project at Metro Manila Subway Phase 1.


Bukod dito, bubuhusan ng pondo ang Aviation Infrastructure Program partikular ang konstruksyon at rehabilitasyon ng domestic airports tulad ng Tacloban, Dumaguete, Busuanga, Laoag, Iloilo, Virac, New Manila International Airport, Siquijor, Central Mindanao at Zamboanga.


Nakatutok naman ang pamahalaan sa pagpapabuti ng port facilities at services sa maritime sector.


Paliwanag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, kaya lumaki nang husto ang alokasyon sa DOTr ay dahil kailangan nang magbayad ang gobyerno para sa mga proyekto na karamihan ay foreign-assisted.

Free Counters
Free Counters