RPPt Marcos admin maagang isinumite panukalang 2025 national budget— SDS Gonzales
Pinuri ni Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa maagang pagsusumite sa Kamara de Representantes ng panukalalng badyet para sa 2025.
“President BBM is presenting his proposal three weeks ahead of his one-month constitutional deadline to do so. This will give the House of Representatives enough time for budget deliberations,” ani Gonzales.
Ayon sa Konstitusyon, may 30 araw ang Pangulo, mula sa pagbubukas ng regular session ng Kongreso upang isumite ang panukalang badyet para sa susunod na taon.
“As far as I know, during my long years in Congress, PBBM is the only President who submits his budget proposal way ahead of his deadline. That speaks volumes about his fidelity to his constitutional duties and his respect for Congress,” ayon sa mambabatas.
Sinabi ni Gonzales na ang pagpapatupad ng pambansang badyet para sa 2025 ay magiging isang hamon para sa pagpapatupad ng bagong ipinasang New Government Procurement Act.
Aniya, ang panukalang badyet para sa 2025 ang unang badyet na saklaw ng bagong procurement law.
“We can potentially save billions of pesos and precious time and energy by following the transparent, efficient and accountable procurement processes under our new law,” ayon pa sa kongresista.
Sina Speaker Ferdinand G. Martin Romualdez at Gonzales ang mga pangunahing may-akda ng batas o Republic Act No. 12009.
Una na ring pinuri ni Speaker Romualdez ang paglagda ni Pangulong Marcos Jr. sa New Government Procurement Act.
“This legislation ushers in a new era of transparency, integrity, and accountability in our government's procurement processes. It reflects our unwavering commitment to the Filipino people to ensure that every peso is spent wisely and responsibly,” ayon sa pinuno ng Kamara.
Aniya, ang batas ay isang mahalagang tagumpay sa isinusulong na mabuting pamamahala at transparency sa mga transaksyon ng pamahalaan.
Sa paglagda sa New Government Procurement Act, sinabi ng Pangulo na ang batas ay magbibigay-daan upang ang public bidding ay maging maayos, tapat at pinakamahusay na paraan sa buong mundo.
Sa ilalim ng batas aniya, ang government procurement ay magiging moderno at makabago, mas pinadali at mas epektibo.
Saklaw ng RA No. 12009 ang pagtatakda ng mga bagong pamamaraan upang makamit ang value for money, procurement efficiency, at quality public services.
Sa pamamagitan ng batas, magiging epektibo at mabilis ang mga proseso ng government procurement sa pamamagitan ng paggamit ng mga bagong teknolohiya at makabagong solusyon. Kasama rin dito ang pagpapalakas ng koordinasyon at pagsasama-sama ng mga sistema sa pagitan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno. (END)
—————
RPPt Kamara pormal na tinanggap P6.352T 2025 National Expenditure Program
Pormal na tinanggap ng liderato ng Kamara de Representantes, sa pangunguna ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang 2025 National Expenditure Program (NEP) na nagkakahalaga ng P6.352 trilyon ngayong araw, Hulyo 29.
Binigyang diin ni House Appropriations Committee Chairman Rep. Zaldy Co, na kasama ni Speaker Romualdez sa pagtanggap sa NEP, ang kahalagahan ng NEP na isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Amenah Pangandaman.
“This proposed budget represents a 10.1 percent increase from the previous year and accounts for 22.0 percent of our Gross Domestic Product. It is a testament to our collective resolve to foster economic growth, social progress, and resilience among our people,” saad ni Co.
Giit pa ng solon, ang NEP para sa susunod na taon ay hindi lamang isang plano ng panggastos kundi isang gabay na upang maabot ang Philippine Development Plan 2023-2028. Nakatuon ito sa pagpapabuti ng kapakanan ng mga indibidwal at pamilya, pagpapaganda sa sektor ng produksyon para makalikha ng dekalidad na trabaho at paglinang sa isang kapaligiran na may sumusuporta sa mga institusyon at kalikasan.
Sa pagbusisi sa panukalang badyet, sinabi ni Co na isasaalang-alang ng Kongreso ang pagkukunan ng pondo, kahandaan na maipatupad ang mga programa at proyekto, kapasidad ng mga ahensya na gastusin ang pondong inilaan sa kanila, at ang pagsunod sa spending priorities. "We must ensure that every peso is directed towards initiatives that will uplift the lives of our fellow Filipinos, improve our infrastructure, strengthen our educational and healthcare systems, and secure our nation's future," saad niya.
Nanawagan din si Co sa kaniyang mga kasamahan na tiyakin ang transparency, accountability at fiscal responsibility sa kabuuan ng pagtalakay sa pambansang pondo. “It’s crucial that we examine each allocation meticulously to ensure the most effective use of our resources,” paglalahad niya.
Ang pagsusumite ng NEP ay hudyat aniya ng mabusising pagtalakay sa pondo na tutugon sa pinakamahalagang pangangailangan ng bansa alinsunod na rin sa hangarin ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa isang masaganang Pilipinas. “The road ahead is full of challenges, but with this proposed budget, we have a robust framework to guide our efforts,” aniya.
Nagpasalamat rin ang Bicolano solon kay Secretary Pangandaman at sa DBM team sa kanilang dedikasyon sa paghahanda ng NEP at inaasahan niya ang pakikipagtulungan nito sa pagtalakay sa NEP.
Ang turnover ng NEP ay nagpapahiwatig ng simula ng masusing mga talakayan sa badyet na naglalayong tugunan ang mga pinakamahalagang pangangailangan ng bansa at pagkakahanay sa bisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. para sa masaganang Pilipinas, ayon kay Co. (END)
————-
RPPt Speaker Romualdez: 22 atletang lumahok sa Paris Olympics panalo na sa puso ng mga Pinoy
Panalo na umano sa puso ng mga Pilipino ang 22 atleta na kumakatawan sa Pilipinas sa 2024 Paris Olympics.
“Let me address our athletes and say that you are all winners in the hearts and minds of every Filipino watching the Paris Olympics today. Ipinagmamalaki namin kayo at nagpapasalamat sa inyong pakikipagtagisan ng galing laban sa pinakamagagaling na atleta sa buong mundo,” ani Speaker Romualdez.
“Your stories of sacrifice and triumph serve as powerful reminders to all hopeful Filipinos of what can be accomplished when one pushes their limits. As you compete, know that your entire nation stands behind you, cheering for your success and celebrating your journey,” dagdag pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.
Umaasa ang koponan ng Pilipinas na matumbasan o kaya’y mahigitan ang naging performance noong 2021 Tokyo Olympics kung saan 14 na medalya ang nasungkit ng mga Pilipinong manlalaro kabilang ang makasasayan at kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas na nakuha ni Hidilyn Diaz sa 55kg category sa weightlifting.
Ani Speaker Romualdez, buo ang suporta ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa paglalakbay ng mga atletang Pinoy sa Olympics.
“At the House of Representatives, we remain committed to supporting Filipino athletes, recognizing the immense potential and talent that our athletes possess, and we are dedicated to providing the necessary resources and support to help you excel on the world stage,” sabi ng mambabatas na kinatawan ng unang distrito ng Leyte.
“Hindi lamang karangalan at papuri ang hatid ng atletang Pinoy sa ating mga kababayan sa buong mundo, dala din nila ang inspirasyon sa bawat kabataang Pilipino na nais magpunyagi at sumabak sa pandaigdigang laban sa palakasan,” saad pa niya.
Bagamat hindi nakapasok sa Paris Olympics si Diaz kasama sa delegasyon ng ngayon ang iba pang Tokyo Medalist na sina Eumir Marcial (bronze, Tokyo), Nesthy Petecio (silver in Tokyo) at Carlo Paalam (silver in Tokyo) na pawang mga boksingero.
Kasama rin sa world-class athletes ang gymnast na si Carlos Edriel Yulo, pole vaulter EJ Obiena, rower Joanie Delgaco, boxers na sin Aira Villegas at Hergie Bacyadan, hurdlers na sina Lauren Hoffman at John Cabang Tolentino, Kayla Sanchez at Jarrod Hatch na pawang swimmers, gymnast na si Aleah Finnegan, fencer na si Samantha Catantan, at 15 iba pa.
“You carry with you the hopes and dreams of an entire nation, and we are confident that you will represent the Philippines with honor and dignity. We look forward to celebrating your successes in Paris! Mabuhay ang atletang Pilipino!” saad pa ni Speaker Romualdez. (END)
——————
RPPt Trabaho, edukasyon, kalusugan, social protection para sa mga Pinoy pangunahing pokus ng 2025 national budget- Speaker Romualdez
Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ang paglikha ng trabaho, pagkakaroon ng de-kalidad na edukasyon, mas magandang serbisyong pangkalusugan, at proteksyong panlipunan ang pangunahing paglalaanan ng pondo sa ilalim ng panukalang 2025 national budget.
Ito ang sinabi ni Speaker Romualdez sa turnover ceremony ng panukalang P6.352-trilyong badyet na ipinanukala ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" R. Marcos Jr. sa Kongreso para sa susunod na taon. Ang badyet at isinumite sa Kamara de Representantes ni Budget Secretary Amenah Pangandaman.
“Ang badyet na Php 6.352 trilyon ay sumasalamin sa ating pangarap na mapabuti ang buhay ng bawat Pilipino,” ani Speaker Romualdez sa kaniyang mga kapwa mambabatas, budget officials, at ilan pang mga panauhin.
“Sa 2025 national budget na ito, inaasahan namin na ibubuhos natin ang pondo para makalikha ng mas maraming trabaho, masiguro ang de-kalidad na edukasyon para sa mga estudyante, at mapalawak ang suporta sa Universal Health Care,” ayon pa sa mambabatas.
“Malinaw ang misyon natin: Ang mabigyan ng trabaho, edukasyon, at alagang pangkalusugan ang bawat pamilyang Pilipino,” saad pa ni Speaker Romualdez, ang lider ang Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.
Binanggit ni Speaker Romualdez na titiyakin din ng Kamara na mayroong sapat na pondo na ilalaan upang matulungan ang mga mahihirap na pamilya.
“Para sa amin dito sa House of Representatives, malakas din ang panawagan na madagdagan ang pondo para sa 4Ps ng DSWD at iba pang programang laan sa mga mahihirap nating kababayan,” ayon sa pinuno ng Kamara.
“Dapat na bigyan din ng sapat na tulong-pinansyal ang mga Pilipinong minimum wage earners sa ilalim ng AKAP (Ayuda Para sa Kapos ang Kita) program, lalo na sa panahon ng krisis na dala ng mga digmaan sa ibang bansa,” dagdag pa niya.
Muling iginiit ni Speaker Romualdez na masusing susuriin ng Kamara ang panukalang badyet upang matiyak na magagamit nang tama ang buwis ng mamamayan.
“As we receive this document today, we recognize the collective responsibility bestowed upon us as legislators to scrutinize, deliberate, and ensure that every peso is judiciously allocated and spent,” ayon pa sa kinatawan ng unang distrito ng Leyte.
“Patuloy naming babantayan dito sa Kongreso ang paggastos ng mga pondong ito. Titiyakin namin na bawat pisong buwis ay maibabalik din sa mamamayan sa pamamagitan ng mga programa at proyekto,” ayon pa sa kongresista.
Sinabi ni Speaker Romualdez na bilang pinuno ng Kamara, sisiguraduhin niyang bawat sentimo ay mapupunta sa proyekto, programa, o mga gawaing na pinaglalaanan nito.
“Bilang inyong Speaker, ipinapangako ko ang patuloy na pagsusumikap upang matiyak na ang bawat sentimo ng badyet na ito ay mapupunta sa mga proyektong tunay na may pakinabang sa bawat Pilipino,” pagbibigay diin pa ni Speaker Romualdez.
Kumpiyansa rin ang mambabatas na sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagsisikap ng executive at legislative branches, ay makakamit ang pambansang budget na hindi lamang tutugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan kundi ay magiging daan din para sa mas maunlad at matatag na Pilipinas.
Pinasalamatan din ni Speaker Romualdez sina Pangulong Marcos Jr., Secretary Pangandaman, at ang Department of Budget and Management para sa kanilang pagsisikap at dedikasyon sa pagbuo ng isang badyet na naglalayong tugunan ang agarang pangangailangan ng ating mga mamamayan habang inihahanda ang pundasyon para sa pangmatagalang kaunlaran.
Isinumite ng Pangulo ang kanyang panukalang badyet para sa 2025, isang linggo pagkatapos ng pagbubukas ng ikatlo at huling sesyon ng Kongreso, mas maaga ng tatlong linggo sa itinakdang deadline ng Konstitusyon.
Nais ng Kamara na tapusin ang mga deliberasyon sa panukalang badyet bago ang unang bakasyon ng Kongreso sa Oktubre. (END)
—————
RPPt Speaker’s office, Tingog Party-list namahagi ng relief goods sa mga biktima ng bagyong Carina sa Marikina, QC
Namigay ng relief goods ang tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez noong Biyernes sa mga biktima ng bagyong Carina sa Quezon City at Marikina City.
Ang mga tauhan ng tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay tinulungan ng mga staff ni Tingog Party-list Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre.
Nasa 531 pamilya sa mababang bahagi ng Barangay Tumana sa Marikina ang binigyan ng mga food pack na may lamang bigas, de lata, kumot, at kape.
Sa Barangay Batasan Hills sa Quezon City, binigyan naman ng food pack ang may 222 pamilya.
Ayon sa tanggapan ni Speaker Romualdez at Tingog Partylist ang pagtulong ay pagpapakita ng kanilang pakikiramay at pakikiisa sa mga biktima ng bagong Carina.
Nauna rito, personal na pinuntahan ni Speaker Romualdez ang mga flood control infrastructure sa Navotas at namahagi ng relief goods sa lugar. Pumunta rin ito sa San Juan at Quezon City upang maghatid ng paunang tulong.
Nanawagan si Speaker Romualdez na repasuhin ang flood control masterplan para sa Metro Manila upang maiwasan ang labis na pagbaha sa rehiyon. (END)
<< Home