Monday, September 19, 2022

MINIMUM NG 65MBPS INTERNET SPEED, IPAGKALOOB NG MGA TELCO BILANG OBLIGASYON NILA

Mga telco, oobligahin na magkaloob ng minimum 65-MBPS internet speed sa harap ng mga reklamo ng mabagal at putol-putol na internet connection


Kapag naisabatas, dapat hindi bababa sa 65-MBPS ang internet speed na ipagkakaloob ng mga telco sa kanilang mga subscriber.


Ito ang nakapaloob sa house bill 2567 o Bilis Konek Act ni House Deputy Speaker Ralph Recto.


Ayon kay Recto, sa ilalim ng “Bilis Konek Act”, ang 65-MBPS ang magiging minimum standard para sa internet connection speed sa fixed wireless broadband dahil walang katapusan ang mga reklamo tungkol sa mabagal at putol-putol na internet connection.


Pagdating naman sa mobile broadband, dapat ito ay nasa minimum 30-MBPS at dapat tiyakin ng mga telco ang kalidad ng kanilang sistema para makapag-deliver ng internet connection speed na higit pa sa global average.


Matatandaan, binansagan ang Pilipinas na “world’s heaviest internet users” base sa Digital 2022 April Statshot Report.


Average na 10-hours and 23-minutes ang ginugugol ng mga Pinoy sa internet, malayo sa worldwide average na 6-hours and 53-minutes.


Kaya giit ni Recto, dapat lang na maayos at mabilis ang serbisyo ng mga internet service providers nang hindi pahuhuli sa ibang mga bansa.

Free Counters
Free Counters