Monday, September 19, 2022

INAASAHAN NI SPEAKER ROMUALDEZ NA MAGIGING MABUNGA AT MATAGUMPAY ANG LAKAD NI PBBM SA USA

Umaasa si House Speaker Martin Romualdez na magiging mabunga at matagumpay din ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos. Jr. sa Estados Unidos.


Ngayong umaga tumulak ang presidente patungong New York City USA, para dumalo sa 77th United Nations (UN) General Assembly, kung saan kasama rin si Romualdez.


Kumpiyansa ang House Speaker na tulad ng matagumpay na state visit ng Pangulo sa Singapore at Indonesia ay maibibida nito ang Pilipinas para sa potential investors at makakakuha ng mga mamumuhunan sa bansa.


“I expect the US visit to reap a lot of benefits for our country and the more than four million Filipinos and Filipino-Americans living or working in America,” ani Romualdez.


Dagdag pa ng Leyte solon, isa ang US sa pinaka malaking trading at economic partner ng bansa.


Ito rin aniya ang may pinakamalaking ambag pagdating sa remittance mula sa ating mga Overseas Filipino Worker.


Tinukoy nito na batay sa Bangko Sentral ng Pilipinas, sa $31.4 billion cash remittance ng mga OFW noong nakaraang taon, 40.5% o katumbas ng $12.7 billion ay mula sa US.


“They contribute a significant part to the amount of foreign exchange our country and economy need each year, and especially this year when we are recovering from the crippling COVID-19 pandemic,” diin ng House Speaker.

Free Counters
Free Counters