Wednesday, August 10, 2022

NAPIPINTONG JOINT VENTURE NG ABS-CBN AT TV5, PINASISIYASAT NI REP. MARCOLETA NTC

Nanawagan ngayon si Sagip Party-list representative Dante Marcoleta sa National Telecommunications Commission na  busisiin  ang napipintong  joint venture ng ABS-CBN at TV 5.


Sa panayam ng Radyo Pilipinas,  iginiit ni Marcoleta na marami silang nakitang  paglabag sa ikinakasang  merger ng dalawang kumpanya.


Dismayado ang kongresista sa kawalang aksyon dito ng NTC, sa kabila ng mga inihaing resolusyon para ito’y maimbestigahan.


Duda ang partylist representative na gusto itong pagtakpan ng nasabing ahensya.


Dagdag pa ni Marcoleta, bukod  sa NTC, kailangan ding dumaan ang planong  merger sa pagsusuri ng Philippine Competition Commission para matiyak na  nasusunod ang proseso.

Free Counters
Free Counters