KAMARA, NAGPUGAY SA IKA-108 TAONG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG IGLESIA NI CRISTO
Pinagtibay ngayong Lunes ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang isang resolusyon na bumabati kay Executive Minister Eduardo V. Manalo at mga miyembro ng Iglesia ni Cristo, sa pagdiriwang ng kanilang ika-108 taong anibersaryo.
Noong ika-27 ng Hulyo 2022, ang Iglesia ni Cristo, ang pinakamalaking Christian religious organization na itinatag sa Pilipinas at pinakamalaking independent church sa Asya, ay nagdiwang ng kanilang ika-108 taon ng pagkakatatag.
Pinagtibay ng Kapulungan ang Houe Resolution (HR) No. 185 na pumupuri sa Iglesia ni Cristo, kung papaano nila pinapalawak ang kanilang misyon sa pamamagitan ng mga programang sosyo-sibiko, at mga proyekto tulad ng ayuda sa mga makataong gawain; komunidad, kabuhayan, mga proyektong pabahay; at proteksyon at pangangalaga sa kalikasan.
“Through the leadership of its present Executive Minister, Brother Eduardo V. Manalo, the Church continues to progress and succeed, and its membership has been constantly increasing,” ayon sa resolusyon na inihain nina Speaker Martin G. Romualdez, Majority Leader Rep. Mannix Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos, Tingog Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre.
“For demonstrating responsiveness to the needs of the poor and marginalized, providing job opportunities and gainful employment to many, members and non-members alike, and instilling good values, it is but fitting to join the Iglesia ni Cristo in commemorating its 108th founding anniversary,” dagdag pa nito.
Ang Iglesia ni Cristo ay itinatag ni Brother Felix V. Manalo, at inirehistro sa Pilipinas noong ika-27 ng Hulyo 1914, ayon sa resolusyon. Mula sa kanilang lokal na kongregasyon sa Punta, Sta. Ana, Manila, mabilis na lumaganap hindi lamang sa iba’t ibang lugar ng bansa, kungdi lumaganap din sa iba’t ibang mga bansa sa ibayong dagat.
“Concerned with the welfare not only of its members but also of the society as a whole, the Iglesia ni Cristo undertakes programs and projects in its various fields of endeavor, which are guided by and at the same time promote Christian values,” dagdag pa sa resolusyon.
Noong ika-12 ng Hunyo 2009, bilang pagkilala sa kanilang huwarang gawa sa pangunguna sa kanilang mga miyembro tungo sa isipirituwal na kaliwanagan at mabuting pagkatao, isinabatas ang Republic Act No. 9645, o “Commemoration of the Founding Anniversary of Iglesia ni Cristo Act,” na nagdedeklara sa ika-27 ng Hulyo kada taon bilang special national working holiday.
<< Home