Wednesday, June 16, 2021

-PHILHEALTH, DAPAT ISAILALIM SA ISANG REGULATORY PANEL

Iminungkahi ni Manila Teachers Partylist Rep. Virgilio Lacson at ilan sa kanyang mga kasamahang miyembro ng Special Committee on North Luzon Growth Quadrangle na isailalim sa isang regulatory panel ang Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth.


Sinabi ni Lopez na kailangan nang magkaroon ng regulatory body na aakto bilang referee o mediator na tututok sa mga ginagawa ng Philhealth para matiyak na mababayaran ang mga hindi pa nababayaran nitong claims o utang sa mga ospital at pasilidad.


Kinatigan naman ito ni Chairman at Pangasinan Rep. Ramon Guico sa pagsabi na sa ngayon ay walang regulatory body na nagmomonitor sa mga government owned and controlled corporations o GOCCs gaya ng Philhealth.


Ani Guico, ang Philhealth na nga ang ahensya, ito pa ang lumalabas na regulatory body at implementor at taga-desisyon.


Bilang tugon, sinabi ni Philhealth Pres. Dante Gierran na bukas naman sila na makipag-tulungan sa third-party regulatory body para mabusisi ang kanilang mga record.

Free Counters
Free Counters