Tuesday, June 15, 2021

-KWARANTINA PARA SA MGA NABAKUNAHANG MAGBABALIK-BAYANG PINOY, DI NA KAILANGAN

Ipinanawagan ni ACT-CIS Partylist Rep. NiƱa Taduran sa pamahalaan na tanggalin na ang kwarantina sa mga nagba-balikbayang Pinoy na bakunado na. 

Ito ay kaugnay sa ipinatutupad na pitong araw na quarantine sa inaprubahang pasilidad para sa mga balikbayan na nakatapos na ng kanilang bakuna. 


Sinabi ni Taduran na pabigat lang ito sa balikbayan lalo na at mababa na ang panganib na makakuha ang mga ito ng virus o maikalat ito matapos na makuha ang full dose ng bakuna laban sa Covid-19. 


Ayon sa kanya, karamihan sa mga balikbayan ay limitado lamang ang oras ng kanilang pananatili dito at talagang cash-strapped na sila at nais lamang nilang makasama ang kanilang mga pamilya ng ilang sandali.

Free Counters
Free Counters