Monday, June 07, 2021

-IILANG MGA PANUKALANG BATAS, PASADO NA SA IKALAWANG PAGBASA SA KAMARA BAGO ANG SINE DIE ADJOURNMENT NITO

Maraming mga panukala ang ipinasa ng Kamara de Representantes, sa pamumuno ni Speaker Lord Allan Velasco, sa ikalawang pagbasa bago idineklara ang sine die adjournment nito noong nakaraang linggo.

Isa sa mga to ay ang HB09538 na naglalayong palawigin pa ang pagpapalabas, obligasyon at pamamahagi ng pondo sa Republic Act 11494 o “Bayanihan to Recover as One Act” o “Bayanihan 2” hanggang sa katapusan ng taong 2021.


Aamyendahan ng panukala ang RA 11519, na nagpalawig sa hangganan ng bisa ng Bayanihan 2 Act hanggang Hunyo 2021.


Samantala, ang HB09559 naman ay inaprubahan din sa ikalawang pagbasa, na naglalayong itatag ang Virilogy Institute of the Philippines (VIP).


Ilan sa iba pang mga panukala na aprubado na rin sa second reading ay ang HB09560, o “Philippine Center for Disease Prevention and Control (CDC) Act; HB09171 o “Plastic Bags Tax Act,”; HB09556 o “New Development Bank of the Philippines (DBP) Act,”; HB09147 o “Single-use Plastic Products Regulation Act,” na inamyendahan; HB09216 o “Philippine Physical Therapy Law,” atHB07407 o “Institutionalizing the Participation of Civil Organizations in the Annual National Budget Process.


#SpeakerLordAllanVelasco

#SpeakerLAV

Free Counters
Free Counters