-LUSOT NA SA KAMARA ANG MGA PANUKALANG MAGTATATAG NG INSTITUSYONG MAKATUTULONG SA PAGLABAN AT PAGKALAT NG MGA SAKIT
Dapat mahadlangan ang pagkalat ng mga sakit sanhi ng mga virus na posibleng umusbong sa bansa.
Dahil dito, ipinasa ng Kamara ang panukalang magtatatag ng Virology Institute of the Philippines (VIP) sa ilalim ng HB09559 at ang HB09560 na magtatatag naman ng sariling Center for Disease Control and Prevention (CDCP), mga institusyong makakatulong sa paglaban at pagkalat ng mga sakit sa bansa.
Sa sponsorship nila Committee on Health Chairperson Angelina Helen Tan at Zambales Rep. Cheryl Deloso-Montalla, tinukoy ng mga ito ang pagkakaroon ng bansa ng sariling virology institute at ng disease control center upang mapag-aralan ang detection at limitasyon sa pagkalat ng virus gayundin ang makalikha ng bakuna bilang long-term protection at gamot.
Magsisilbing premier research at development institute sa field of virology na sakop lahat ng uri ng virus at viral diseases na matatagpuan sa mga tao, halaman at mga hayop.
Samantalang ang CDCP naman ang magsisilbing hiwalay na ahensya na nasa ilalim ng kontrol ng Department of Health (DOH) na sesentro sa pagpigil ng mga kumakalat na communicable o infectious disease o iyong mga rapid o sudden onset health hazards and emerging diseases tulad ng novel corona virus.
<< Home