-PAGSIPA NG PRESYO NG KARNE NG BABOY AT IBA PANG PANGUNAHING BILIHIN, IIMBESTIGAHAN NG KONGRESO
Inaprubahan ng joint committees on Agriculture and Food na pinamumunuan ni Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga, at ng Trade and Industry na pinamunuan ni Navotas City Rep. John Reynald Tiangco ang resolution na nanawagan ng pagsisiyasat, in aid of legislation, sa nakakabahalang pagsipa ng presyo ng karne ng baboy at iba pang mahahalagang bilihin.
Sa isinagawang online hearing kahapon, sinabi ni Enverga na nakatanggap ng liham ang Office of the Speaker mula sa Office of the President, na nagrerekomenda ng pagtaas ng minimum access volume (MAV) para sa karne ng baboy, sa 350,000 metriko tonelada bilang dagdag sa kasalukuyang MAV na 54,210 metriko tonelada para sa 2021.
Idinagdag pa niya na noong a-29 ng Marso 2021, silang tatlo nina Speaker Lord Allan Velasco at Congressman Tiangco ay nagpadala ng liham sa Pangulo upang umapela sa rekomendasyon, at malinaw na ipinaliwanag ang paninindigan ng Kamara de Representantes na ang pag-aangkat ay gagawin lamang upang punan ang kakulangan sa suplay, batay sa umiiral na taripa, upang hindi lubos na maapektuhan ang naghihirap na sektor ng mga magbababoy.
Samantala, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na kanilang pag-aaralan ang mungkahi na magpairal ng hangganan sa presyo ng pag-aangkat ng karne ng baboy.
#SpeakerLordAllanVelasco
#SpeakerLAV
<< Home