Thursday, April 15, 2021

-PAGSALI SA MAMAMAHAYAG SA A4 PRIORITY LIST SA PAGBABAKUNA, PINURI

Pinapurihan ni ACT-CIS Partylist Representative Rowena NiƱa Taduran ang desisyon ng pamahalaan na isali ang mga manggagawa sa media sa listahan ng susunod na batch ng priority group para sa programa sa pagbabakuna laban sa Covid 19.


Sinabi ni Taduran na ang mga manggagawa sa media ay matagal nang nakalantad sa virus simula nang magkapandemya sa kanilang paghahatid ng balita.


Ayon sa kanya, hindi naman umano huminto ang mga balita kahit may pandemya at sumusugod ang mga mamamahayag kung nasaan ang panganib ng Covid  para lamang makapaghatid ng impormasyon, kahit ang mga nasa technical, sumusuong sa panganib ng virus maibigay lang ang balita sa tao.


Pinasalamatan din ng mambabatas sina Testing Czar Vince Dizon at Director-General Karl Chua ng National Economic and Development Authority sa pagrerebisa ng A4 priority list para maisama ang mga manggagawa sa media.

Free Counters
Free Counters