Monday, August 03, 2020

-Panukalang pag-alis ng crucifix sa ospital ni Marcoleta, binatikos

Binatkos ng netizens ang panukala ni Sagip Partylist Rep Rodante Marcoleta kaugnay sa pagnanais na alisin ang crucifix o krusipeho sa lahat ng kuwarto ng ospital.


Nakapaloob sa HB04633 ni Marcoleta na alisin ang crucifix sa mga kuwarto ng ospital at hayaan na lang ang mga pasyenteng magpasya kung nais maglagay ng krus.


Dahil dito, mahigpit na tinutulan ng netizens partikular ng mga katoliko ang kawalang-galang ni Marcoleta sa relihiyon batay sa kanya-kanyang paniniwala ng bawat isa.


Pagtatanong ng kolumnistang si Bernie Lopez kung bakit natatakot si Marcoleta sa krusipeho at iginiit nito na na labag sa Saligang Batas ang naturang panukala alinsunod sa ginagarantiyang freedom of religion.


Si Lopez ay kabilang sa mga tumututol sa HB04633, isang panukala na mistulang anti-Catholic at anti-prayer.


Si Marcoleta na kumakatawan sa urban poor ay umamin na tinitingnan niya ang interes ng Iglisia Ni CCristo o INC na hindi kinikilala ang Krus dahil isa umano itong sumpa na naging instumento ng pagkamatay ni Kristo sa krus.


Ang nasabing panukala ay inihain noong isang taon na muling nabigyan pansin bunsod na rin sa papel na ginampanan ni Marcoleta sa pagbasura sa prankisa ng ABS-CBN at sa pagpupursigi na ma-takeover ang pasilidad ng network.


Sinasabing kabilang ang Iglesia ni Cristo sa bumabatikos laban sa ABS-CBN dahil sa malawakang coverage na ginawa sa pamilya Manalo.

Free Counters
Free Counters