-Magsususpende ang Kamara ng mga sesyon nito bilang tugon sa kahilingan ng mga House empleyee
Inanunsiyo ng Kamara de Representantes na magsu-suspende ito ng regular na mga sesyon umpisa ngayong araw ng Miyerkules.
Sinabi ni House Majority Leader at Leyte Rep Martin Romualdez na ang suspensiyon ay idineklara bilang katugunan sa mga kahilingang galing sa mga Batasang Pambansa employees dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa buong Metro Manila.
Ngunit mabilis na idinagdag ni Romualdez na ang mga committee hearing ay magpapatuloy pa.
Magri-resume ang plenary session sa ika-17 ng Agosto.
Nagsi-sesyon ang Kamara mula araw ng Lunes hanggang araw ng Miyerkules kada linggo.
<< Home