Tuesday, August 11, 2020

Bayanihan 2, aprubado na sa pangatlo at pinal na pagbasa sa Kamara

Sa botong 242-6, at walang abstensyon, inaprubahan na ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pangatlo at huling pagbasa ang House Bill 6953 o ang “Bayanihan to Recover as One Act”.


Pangunahing iniakda nina Deputy Speaker LRay Villafuerte, Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez, Rep Michael Defensor at Rep Jose Antonio Sy-Alvarado, layon ng panukala na tugunan ang pag-ahon sa ekonomiya ng bansa sa nararanasang krisis na dulot ng pandemya dahil sa COVID-19, sa pamamagitan ng inilaang pondo na nagkakahalaga ng P162-Bilyon.


Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa kanyang mensahe bago nagbotohan ang mga mambabatas, na ang Bayahinan 2 ay talaan lamang ng mga benepisyo para sa ilang sektor at industriya na tutulong sa ating mga mamamayan.


Ito, ayon sa Speaker, ay katiyakan ng kooperasyon at pagtutulungan sa ating komunidad na kung saan ay nakilala at naging tanyag ang mga Pilipino at ang Bayanihan ay tungkol sa mga Pilipino na tumutulong sa kapwa Pilipino.

Free Counters
Free Counters