Tuesday, August 11, 2020

Bayanihan 2 at 2021 national budget, inilaan para tulungan ang mga mamamayan na makaahon laban sa COVID-19

Ipinahayag ni Speaker Alan Peter “Compañero” Cayetano sa isang pulong-pambalitaan na bukod sa isinusulong ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang malaking bahagi ng Pambansang Badyet sa susunod na taon sa sektor ng kalusugan, ay nakatuon din ang lehislatura sa pamumuhunan para sa kaunlaran at imprastraktura upang makaahon ang bansa sa nararanasang pandemya dulot ng COVID-19.


Ayon sa Speaker, nakahanda na ang Kamara de Representantes para talakayin ang pondo ng pamahalaan na tutugon sa posibleng krisis tulad ng COVID-19 pandemic at dadaan sa masusing deliberasyon upang maitatag ang pundasyon ng bagong ekonomiya at pag-ugnayin ang iba’t ibang industriya tulad ng agrikultura, turismo at produksyon.


Umaasa si Cayetano na kagyat na maisasabatas na ang “Bayanihan to Recover as One Act” na kanilang ipinasa kahapon na naglalayong makapamahagi ng pinansyal na ayuda at pag-ibayuhin pa ang mga serbisyo para sa mga mamamayan. 


Inaasahan niya rin na magkakaroon ng karagdagang pamuhunan ang mga mangangalakal sa panahon ng pandemya.

Free Counters
Free Counters