Tuesday, August 11, 2020

Bayanihan to Recover as One Act, aprubado na sa Kamara

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa kamara ang House Bill 6953 o ang ikalawang stimulus package para sa pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.

Ang Bayanihan to Recover as One Act 2 ay lumosot sa mababang kapulungan ng kongreso sa botong 242 na YES at 6 na NO.


Sa ilalim nito ay magkakaroon ng standby fund ang gobyerno ng P162 bilyon pesos para sa emergency subsidy sa mga displaced workers, cash-for-work programs, prevention and control para sa COVID-19, support programs para sa mga apektadong sektor at maging sa sektor ng agrikuktura na may bisa hanggang sa katapusan ng taon.


Bukod dito ay nakapaloob din sa nasabing panukala ang pagbibigay ng karapatan sa mga government financial institutions na magkaroon ng pautang, subsidiya, diskwento at iba pang grants para sa pagbili ng electronic gadgets na kakailanganin ng mga guro at estudyante sa ilalim ng distance at blended learning.


Layon din nito na mabahagian ng educational subsidy ang mga estudyante na nahaharap sa financial crisis at hindi nakakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno

Free Counters
Free Counters