-Kamara all set na para sa hosting ng 11th AIPA Caucus sa Aug. 14
Nakahanda na ang mababang kapulungan ng kongreso para sa gaganaping hosting ng kaunanunahang virtual meeting ng ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA) Caucus sa darating na August 14.
Ang pagpupulong ay magsisimula ng alas 9 ng umaga kung saan si House Speaker Alan Peter Cayetano ang magbibigay ng opening address para sa ika-11 AIPA meeting na may temang “We Heal As One: Parliamentary Cooperation Towards Mitigating Risks and Strengthening Economic Resilience in the Period of Pandemic".
Layon ng ika-labinisang AIPA meeting na mas mapalalim pa ang parliamentary coordination ng mga lugar sa Southeast Asia lalo na sa epekto ng COVID 19 pandemic sa ekonomiya sa timog silangang asya.
Bukod dito ay target din ng pagpupulong na magkaroon ng konsultasyon at diyalogo ang mga member parliaments para pagusapan ang mga economic recovery and resilience plans sa gitna ng COVID 19 pandemic at mga economic reforms para palakasin ang kapasidad ng Asian member nations para malagpasan ng mga kaparehong krisis na posibleng umusbong sa mga susunod na panahon.
Samantala inaasahan namang bibigyan diin ni Speaker Cayetano ang mga legsilative measures na ipinasa ng kamara para maibsan a ang epekto ng COVID 19 crisis sa bansa tulad ng House Bill 6616, na enacted bilang Republic Act No. 11469 na kilala rin sa tawag na “Bayanihan to Heal as One Act.”
Ang AIPA ay itinatag noong 1977 bilang ASEAN Inter-Parliamentary Organization (AIPO) ng mga lider at parliamentary delegations mula Indonesia, Malaysia, Singapore , Thailand at Pilipinas.
<< Home