Wednesday, August 05, 2020

-Idiretso na lamang dapat sa mga ospital ang pondo ng bayan imbes na dadaan pa sa PhilHealth

Ipinahayag na Bayan Muna partylist Rep Carlos Isagani Zarate na inamin na ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na maaaring maubos na ang pondo nila pagsapit ng 2022 doon sa Senado.


Ayon kay Zarate, ito ay nagpapatunay lamang sa posisyon ng ilang mga mambabatas sa Kamara de Representantes na ang pondo mula sa pambansang budget ay dapat idiretso na lamang sa mga ospital imbes na idaan pa sa PhilHealth.


Sinabi ng mambabatas na mistulang lubog na sa kurapsyon at sindikato ang Philhealth kaya mahirap ipagkatiwala sa kanila ang pera ng taong bayan.


Dapat aniyang papanagutin ang PhilHealth kaugnay dito at may dapat na masibak dahil sa mga anomalya.


Isiniwalat nitong Martes ng isang opisiyal ng Philhealth ang umano'y mga kaduda-dudang gawain sa ahensiya, na aprubado pa umano ng matataas na opisyal nito.

Free Counters
Free Counters