-Hinimok ng isang mambabatas ang DOH na huwag gumamit ng rapid anti-body test para sa Covid-19
Nanawagan si Cagayan de Oro City Rep Rufus Rodriguez sa Department of Health (DOH) na huwag nang gumamit ng rapid anti-body test para sa Covid-19.
Ayon kay Rodriguez, inaccurate ito dahil antibodies lamang ang nadedetect ng rapid test at hindi mismo ang presensya ng virus sa katawan ng tao at banned aniya ito sa maraming bansa tulad ng Australia, Dubai at India.
Sa halip, inihain naman ni Rodriguez ang House Resolution No. 1146 para ipromote ang paggamit ng polymerase chain reaction (RT-PCR) swab test bilang 'gold standard' para sa covid test sa bansa.
Giit pa ni Rodriguez, ang virus mismo ang nadedetect ng RT-PCR test kaya mas tiyak aniya ang resulta nito.
Sa kabila ng inaccuracy ng rapid test, nababahala si Rodriguez na maraming business establishments ang gumagamit ng rapid test para masuri ang mga empleyado nitong magbabalik sa trabaho.
<< Home