Thursday, August 27, 2020

-Distribusyon ng SAP sa gitna ng pandemya, patuloy na ini-imbestigan sa Kamara

Ipinagpatuloy ng Committee on Good Government and Public Accountability sa Kamara ang masusing imbestigasyon sa umanoĆ½ anomalya sa distribusyon ng pondo ng Social Amelioration Program (SAP) na ipinamahagi ng pamahalaan sa panahon ng COVID-19 pandemic.


Ipinahayag ni Camarines Sur Rep LRay Villafuerte na layon ng imbestigasyon na maiwasan na sa hinaharap ang mga anomalya na maaaring maulit, gayundin ay para mapag-aralan kung papaano mapapabilis ang pamamahagi ng ayuda sakaling dumating muli ang anumang pandemya.


Sinabi ni DSWD Undersecretary Aimee Torrefranca-Neri na naisaayos na ng kanilang ahensya ang talaan ng pamamahagi at mas modernong financial integration para sa mga benepisaryo ng SAP.


Samantala, nanawagan si Committee Chairman Jonathan Sy- Alvarado sa DSWD na ayusin din ang kanilang hotline service upang epektibo itong makatugon sa mga pangangailangan at panawagan ng mga benepisaryo.


Habang isinasagawa ang imbestigasyon sa Kamara, sinubukang tawagan ni Villafuerte ang hotline number ng DSWD na kanilang ibinigay sa Komite subalit kagyat nilang nadiskubre na walang sumasagot sa telepono.

Free Counters
Free Counters