Thursday, February 13, 2020

PagIisyu ng PED IDs, dapat higpitaN ng mga LGUs

Pinayuhan nina ACTS CIS partylist Rep Eric Yap at Ang Probinsyano partylist Rep Ronnie Ong ang mga local government units na higpitan ang patakaran sa pagbibigay ng Persons with Disability Identification cards o PWD IDs.

Sa gitna na rin ito ng pag-dami ng mga gumagamit ng PWD IDs para makakuha ng discount kahit wala naming taglay na kapansanan.

Sa isinagawang round table discussion sa Kamara, kasama ang ilang kinatawan mula sa PWD sector, napuna ng mga mambabatas ang maluwag na prosesong sinusunod sa pagbibigay ng PWD IDs.

May ilang doktor  kasi anila na nagbibigay ng pekeng medical abstract, na nakakalusot naman sa pagsusuri ng mga lokal na pamahalaan.

Bukod dito dapat ring palakasin ang security feature ng PWD IDs sa pamamagitan ng pag-rehistro nito sa database ng lokal na pamahalaan bago maaring ma-activate para magamit ang mga benepisyo.

Posibleng ipatawag din sa Kamara ang Department of Health at Department of Interior and Local Government para alamin ang mga hakbang na dapat gawin para masawata ang problemang ito.

Nais ding makuha ng mga kongresista ang listahan ng mga nabigyan ng lehitimo at pekeng identification cards upang maisapubliko at makita ang mga gumagamit ng fake PWD IDs.
Free Counters
Free Counters