Defensor: Dodoblehin ang budget para sa taong 2022 para sa mga maysakit na HIV
Dodoble na ang halaga na ilalaan ng gobyerno sa 2022 para sa pagpapagamot ng mga maysakit ng human immunodeficiency virus (HIV).
Ayon kay Anakalusugan Partylist Rep. Michael Defensor, aabot sa P1 Bilyon ang halagang kailangan ilaan ng pamahalaan kada taon para antiretroviral theraphy (ART) ng tumataas na bilang ng mga Pilipinong nagkaka-HIV.
Mula 2016 hanggang 2018 ay nakapagtala ng 10,588 annual average na mga HIV cases ang DOH habang 5,366 na kaso naman ng HIV ang nadagdag mula Enero hanggang Mayo ng 2019.
Dahil dito, inaasahan na P10,000 ang madadagdag sa bilang ng HIV cases kada taon.
Sa kada taon naman ay gumagastos ang DOH ng P478 Million para sa pagpapagamot sa 38,279 na mga Pilipino na may HIV kung saan sa bawat pasyente ay nagkakahalaga ang single course treatment ng P12,500 hanggang P15,000.
Tiniyak naman ng Kamara na tutulong sila sa DOH para humanap ng mga paraan upang labanan ang HIV at mapagamot ang mga nagkasakit nito.
<< Home