Friday, August 16, 2019

Kwestiyonableng mga textbook ng DepEd, pina-iimbestigahan


Pina-iimbestigahan ngayon sa Kamara de Representantes ang umano’y discrepancy sa mga textbook contracts na hindi naipamahagi ng Department of Education o DepEd.

Batay sa report ng Commission on Audit o COA, natuklasan na mayroong P254 Million na halaga ng kwestyunableng textbook contracts at P113.7 Million undistributed books ang DepEd.

Ayon kay  ACT Teachers Patylist Rep. France Castro, nakakalungkot aniya ang ganitong pangyayari dahil may mga guro na nagsasakripisyo na gumastos mula sa kanilang sariling bulsa para lamang mapunuan ang pagkukulang sa kanilang pagtuturo. 

Maging ang mga estudyante aniya ay  nagpapa-photocopy pa dahil sa kulang ang mga libro sa mga silid-aralan.

Iginiit ni Castro na dapat busisiin ang mga nasa likod ng nasbing isyu upang mapanagot ang mga nasa  likod nito kaya maghahain siya aniya ng resolusyon upang  talakayin ang naturang COA report.

Free Counters
Free Counters