Dapat nang itigil ni CJ Corona ang kanyang "paawa effect," solon
Tinuligsa ni Deputy Speaker Lorenzo “Erin” R. Tañada
III si Chief Justice Renato Corona dahil sa pasimpleng pag-impluwensiya ng
sentimyento ng mga tao, ang kanyang "paawa effect" sa paggamit sa
isyu ng Hacienda Luisita para pagtakpan ang kanyang kasalanan at paparating na
hatol sa impeachment proceeding sa Senado laban sa kanya.
Ayon sa kanya,
"Ginagamit ni Corona ang desisyon ng Korte Suprema para guluhin ang isipan
ng publiko na maging manhid sa paniniwala nilang may nakaw na yaman siya."
"Walang
kaugnayan ang Hacienda Luisita sa impeachment dahil ang prosesong ito ay
tungkol sa pagiging karapat-dapat ni Corona na maging Chief Justice ng Korte
Suprema at ang Hacienda Luisita ay tungkol sa karapatan ng mga manggagawa nito
sa lupang sinasaka nila at tungkol sa panlipunang katarungan," paliwanag
ni Tañada.
"Sinusubukan
lang niyang sisihin si PNoy para sa kanyang paghatol, samantalang siya lang at
siya ang tunay na may kasalanan sa hindi pagdeklara nang tapat ng kanyang SALN.
Itigil na niya dapat ang "paawa effect" at tumestigo na lang sa
Senado bilang impeachment court. Sa palagay ko hindi gagana 'yang "paawa
effect" sa mga Senador-Hukom."
<< Home