Hihigpitan na ang parusa sa manggugulo sa pampublikong lugar
Marapat nang amiyendahan ang Article 153 ng Revised Penal Code (RPC) upang baguhin ang lumang multa at parusa sa ilalim nito kung ang pag-usapan ay ang panggugulo sa pampublikong lugar.
Ito ang nais mangyari
ni Marinduque Rep Lord Allan Jay Velasco, may akda ng HB05815 nang kanyang
sinabi na ang presyo ng multa na base pa sa probisyong ng nabanggit na karta na
nilagdaan noong 1930 pa ay hindi angkop sa kasalukuyang sitwasyon.
Sinabi ni Velasco
na ang malawakang inflation at devaluation ng ating pera ay lipas na para sa
multang magpaparusa ng RPC at ito ay bale-wala na.
Sa lumang parusa na nakasaad sa Article 153, arresto mayor at multang P1,000 para sa sinumang manggugulo sa pampublikong lugar, opisina o establisimiyento o gumambala o bulabugin ang pampublikong pagtatanghal at pagtitipon sa ilalim ng Revised Penal Code.
Gayundin, ang parusang arresto mayor ay ipapataw sa sinumang indibiduwal na tangkang manigaw o magsulsol ng rebelyon at sedisyon o maglalabas ng placards o emblems na magbubunsod ng kaguluhan sa publiko.
Sa panukalang batas ni Velasco, ang parusang arresto mayor sa medium period ay prision correctional sa minimum period at multang hindi tataas ng P80,000 ang ipapataw sa sinumang gagawa ng kaguluhan sa pampublikong lugar, opisina at establisimento at gagambala at mambubulabog sa pagtatanghal at pagtitipon.
Ngunit mas mabigat na parusa ang ipapataw sa manggugulo at pinapalagay na napakagulo na likha ng higit sa tatlong katao na armado o may tangkang ng karahasan.

---
<< Home