Pagpapalakas ng dangerous drugs law, ipinanukala
Nais ng isang kongresista
na amiyendahan ang Dangerous Drugs Act of 2002 sa pamamagitan ng pagpapalakas
sa kampanya ng gobyerno laban sa droga.
Sinabi ni Cagayan
de Oro Rep Rufus Rodriguez na dahil hindi na mapigil ang lumalalang pag-abuso
sa droga at pagbebenta nito kahit na sa mga liblib na barangay sa buong bansa
marapat lamang na maamiyendahan na ang naturang batas.
Ayon kay Rodriguez,
humina ang paglaban sa iligal na droga dahil sa naging maling pakahulugan na
ang problema ay hindi na sakop ng PNP o Philippine National Police, NBI o
Nationa Bureau of Investigation kundi ng PDEA na lamang.
Ito na umano ang tamang panahon para suportahan ang mga mekanismo ng PNP, NBI, Bureau of Customs at PDEA sa pagsugpo ng iligal na droga.
Sa HB05973 na iniakda ni Rodriguez, ang PDEA ang siyang magiging pangunahing ahensiya na tututok sa kampanya laban sa droga at mananatili sa kani-kanilang permanente at regular na anti-illegal drug unit ang bawat ahensiya para palakasin ang kanilang suportang mekanismo sa PDEA.
Makikipag-ugnayan at ipapa-alam ng NBI, PNP at BOC sa lead agency ang kanilang anti-drug operations sa loob ng 24-oras matapos ang terminasyon at imbestigasyon at aktuwal na pagkakadakip sa suspek at
pagsamsam sa mga ipinagbabawal na droga at mga kemikal nito.

---
<< Home