Thursday, April 23, 2009

Mga Kabataan, hinikayat magparehistro para sa 2010 election

Hinikayat ni Bukidnon Rep Teofisto Guingona III ang mga kabataan na magparehistro sa COMELEC (Commission on Elections) upang ang mga ito ay makalahok sa papalapit na halalan sa taong 2010


Sinabi ni Guingona ang kabataan ang bumubuo ng malaking bahagi ng kabuuang populasyon ng mga botante at kapag ang mga ito ang nagkaisa, maaari na nilang baguhin ang politika ng bansa.

Batay sa datus ng Comelec, sampung porsiyento (10%) pa lamang o 191,000 sa 1.9 na milyong mga bagong botante ang nakapagparehistro na binubuo ng mga naging 18 taong gulang pataas.

Nakababahala umano ang ganito kaliit na porsiyento ng mga rehistradong bagong botante kung kaya't kailangang humanap ang pamahalaan, lalo na ang Comelec, ng paraan upang abutin at hikayatin ang mga kabataan na makilahok sa darating na halalan.

Ayon pa sa kanya, kailangang mabatid ng mga kabataan kung gaano kahalaga ang kanilang gagampanang tungkulin sa larangan ng pambansang politika.

Pinaalalahanan din ni Guingona ang mga kabataan hinggil sa pressures at kaguluhan sa politika ngunit hindi sila dapat matakot sa sitwasyon kung kaya't dapat maging maingat sila at maging mapagmatiyag.


Free Counters
Free Counters