Tuesday, August 06, 2024

 RPPt Joint investigation sa POGO, iligal na droga, Duterte war on drugs ikinasa sa Kamara


Isinulong ng liderato ng Kamara de Representantes ang magkakasamang imbestigasyon ng apat na komite kaugnay ng iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at mga krimeng kaugnay nito, bentahan ng iligal na droga, at ang madugong war on drugs campaign ng administrasyong Duterte.


Ang hakbang na ito ay inisyatibo ni Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., na nag-privilege speech upang pagsama-samahin ang magkakahiwalay na imbestigasyon ng mga komite matapos matukoy na magkaka-ugnay ang mga ito.


Inihain nina Rep. Joel Chua ng Manila at Rep. Patrick Michael Vargas ang House Resolution No. 1843 na nagmumungkahi na pag-isahin ang mga imbestigasyon ng tatlong komite - ang Dangerous drug, Public order and safety, at Human rights.


Iminungkahi naman ni Rep. Gerville Luistro ng Batangas ng talakayin sa plenaryo ang resolusyon na isama sa joint investigation ang committee on Public accounts.


Ang privilege speech ni Gonzales, Resolution No. 1843, at mungkahi ni Luistro ay ipinadala sa Rules committee na pinamumunuan ni Majority Leader Manuel Jose Dalipe para sa kaukulang aksyon.


Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Gonzales na ang bansa ay kasalukuyang nahaharap sa mga usaping may kinalaman sa public order, paglaganap ng ilegal na droga, at paglabag sa karapatang pantao.


“We must address these issues in a coordinated and timely manner to ensure justice and the rule of law,” ayon kay Gonzales.


Binanggit niya na ang committee on games and amusement, kasama ang committee on public order and safety, ilegal na POGO at kriminalidad na iniuugnay dito; habang ang committee on dangerous drugs ay may isinasagawang imbestigasyon sa pagkakasamsam ng P3.6-bilyong halaga ng ilegal na droga sa bayan ng Mexico sa Pampanga noong Setyembre 2023.


Ang imbestigasyon sa pagkakasamsam ng droga ay nag-ugat sa ng dalawang resolusyon na inihain nina Gonzales at Zambales Rep. Jefferson Khonghun. Ang kargamento ay naipuslit sa bansa sa pamamagitan ng Subic Freeport.


Ang committee on human rights naman ang nagsimula ng pagdinig sa EJK at paglabag sa karapatang pantao na iniuugnay sa anti-drug campaing ng administrasyong Duterte. 


Ang privilege speech ni Alliance of Concerned Teachers Party-list Rep. France Castro at Resolution No. 14 na isinampa ni Kabataan Rep. Raoul Danniel Manuel ang dahilan sa imbestigasyon ng human rights panel. 


“These individual inquiries by the three committees have been persistent and yet exhaustive. Still, there are issues that are interwoven entailing scrutiny into intricate details,” ayon kay Gonzales sa kaniyang privilege speech.


Ayon pa sa mambabatas ang magkakahiwalay na imbestigasyon  ay nagpakita ng pagkakapareho ng mga sangkot na indibidwal.


Binigyang-diin niya ang pangangailangan para sa isang nagkakaisa at magkasanib na pamamaraannsa pagtukoy sa mga magkaugnay at lumilitaw na problema at isyu.


“The complex yet interrelated nature of the issues surrounding public order, dangerous drugs, and human rights violations demonstrates the unique benefits of a collaborative approach that only a joint investigation can provide. A joint investigation will enable us to conduct a more inclusive and thorough examination of these interlocking issues,” ayon pa sa mambabatas na mula sa Pampanga. 


“It will allow us to invite resource persons who can provide valuable insights across multiple areas of concern. This coordinated effort will ensure that our findings are comprehensive and that our legislative recommendations are practical and encompassing,”  dagdag pa niya. 


Sinang-ayunan din ni Barbers, chairman ng committee on dangerous drugs ang mungkahing pagsasama-sama ng mga kasalukuyang imbestigasyon.


Duda ang mambabatas mula sa Mindanao na sa kabila ng pagpapasara ng ilegal na POGO sa Bamban, Tarla, at Porac, Pampanga at pagkakasamsam ng malaking shipment ng shabu sa bayan ng Mexico noong 2023, ay mayroon pang secret criminal syndicate na namumuno sa mga ilegal na aktibidad na sinasabing napatigil ng mga awtoridad.


“So itong mga committees na ito, kasi napakalaki we believed meron criminal organization na kumikilos dito sa atin. That is why it is important for the House to create several committees…Bakit? Kasi nga yung criminal organization na, napakalaki ay involved po sa lahat na sinasabi natin that is why we want to dig deeper into this,” ayon pa sa mambabatas.


Ilang mga Chinese national ang pinaghihinalaang nasa likod ng ilegal na POGO at nasamsam na kontrabando sa bayan ng Mexico, na may kaugnayan kay Michael Yang, ang dating adviser ni dating Pangulong Duterte.


Wala ni isa sa mga isinasangkot na Chinese suspects ang dumalo sa pagdinig ng Kamara, kabilang na si Yang kaya ipinaaaresto na ang mga ito. (END)

Free Counters
Free Counters