JOINT COMMITTEE HEARING HINGGIL SA ILIGAL NA MGA AKTIBIDAD NG POGO SA ILALIM NG ADMINISTRASYONG DUTERTE, IMINUNGKAHI SA KAMARA
Allan HINILING NI HOUSE SENIOR DEPUTY SPEAKER AURELIO DONG GONZALES, JR. KAHAPON SA ISANG PRIVILEGE SPEECH NA IMBESTIGAHAN ANG MGA NANGYARING EXTRA-JUDICIAL KILLINGS, ILEGAL NA DROGA AT ILEGAL NA AKTIBIDAD NG MGA PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATORS O POGO NOONG NAKALIPAS NA ADMINISTRASYON NI DATING PANGULONG RODRIGO DUTERTE.
IMINUNGKAHI NI GONZALES ANG PAGSASAGAWA NG ISANG JOINT COMMITTEE HEARING SA KAMARA DE REPRESENTANTES NA PAGSAMA-SAMAHIN ANG MGA NABANGGIT NA MGA PANGYAYARI UPANG MAPADALI ANG INVESTIGATION NG MGA ITO.
DAHIL DITO, DAPAT NA MAGSAMA-SAMA SA JOINT INVESTIGATION ANG HOUSE COMMITTEE ON HUMAN RIGHTS, COMMITTEE ON PUBLIC ORDER AND SAFETY, COMMITTEE ON DANGEROUS DRUGS AT COMMITTEE ON PUBLIC ACCOUNTS.
INI-REFER ANG NATURANG MUNGKAHI SA COMMITTEE ON RULES UPANG MADETERMINA KUNG PAPAYAGAN NG KAMARA ANG PAGSASAGAWA NG JOINT INVESTIGATION.
MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCES RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO
<< Home