Saturday, August 03, 2024

 kath Nagbigay ng trans tv na ambush nila si JPE…



Tama lang ang ginawang pagbabawal ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa operasyon ng lahat ng POGO sa bansa


Ito ang binigyang diin ni Chief Presidential Legal Counsel Sec. Juan Ponce Enrile.


Isa si Enrile sa mga resource person na dumalo sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Kamara hinggil sa POGO related crimes.


Ani Enrile, kung siya man, ‘sisipain’ niya palabas ng bansa ang mga POGO.


Dagdag pa niya, ang mga POGO at maituturing na money laundering operation.


“I agree with the president I will  kick out POGO in this country. POGO is a money laundering operation.” Ani Enrile


Matatandaan na sa ikatlong SONA ni PBBM ay inanunsyo nito ang total ban sa lahat ng POGO ligal man o iligal.


Binigyan din ito ng hanggang sa katapusan ng taon ang PAGCOR para ipasara ang lahat ng POGO sa bansa.


##

Free Counters
Free Counters