Allan UMAASA ANG DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS O DPWH NA MAPAGBIBIGYAN ANG PONDO PARA SA MGA KAGAMITAN NILA SA DREDGING SA MGA RIVER BASIN.
SA PAGDINIG NG HOUSE COMMITTEE ON PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS, SINABI NI DPWH SECRETARY MANUEL BONOAN NA MALAKI ANG MAITUTULONG NG DREDGING AT DESILTING SA MGA RIVER BASINS UPANG MABAWASAN ANG PAGBAHA.
ANG PROBLEMA, HINDI UMANO NAPAGBIGYAN ANG PONDO NA HINIHINILING NILA PARA SA MAINTENANCE AT PROCUREMENT NG MGA EQUIPMENT PARA SA DREDGING.
SINABI NI BONUAN KABILANG SA MGA GUSTO NILANG ISAGAWA SANA SA METRO MANILA AT IBA PANG MGA PROBINSYA ANG PAGHUHUKAY O PAGPAPALALIM NG MGA ILOG.
UMAASA ANIYA SILA SA PAGTALAKAY NG PANUKALANG BATAS AY MAPAGBIGYAN SILA NG KONGRESO NA MAGKAROON NG PONDO PARA SA KANILANG MGA KAGAMITAN.
ITO AY LALO PAT PATULOY NA BUMABABAW ANG MGA ILOG NA NAGIGING DAHILAN UPANG UMAPAW AT MAGDULOT NG MGA PAGBAHA.
<< Home