Saturday, August 03, 2024

 Allan ISINISI NG DEPARTMENT OF PUBLIC WORK AND HIGHWAYS AT METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY SA MGA LUMA O OUTDATED NA DRAINAGE SYSTEM AT BASURA ANG MATINDING PAGBAHA SA METRO MANILA. 


ITO MATAPOS ANG PANANALASA NG BAGYONG CARINA NA NAGPALALA SA PAG-ULANG DALA NG HABAGAT. 


SA PAGDINIG NG HOUSE COMMITTEE ON PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS, IGINIIT NI DPWH SECRETARY MANUEL BONOAN NA AABOT NA SA LIMAMPUNG TAON ANG MGA TINATAWAG NA INTERNAL DRAINAGE SYSTEM. 


NAPAPANAHON NA ANIYA AT KAILANGAN NG ISAAYOS ANG MGA INTERNAL DRAINAGE SYSTEM SA METRO MANILA. 


SINEGUNDAHAN NAMAN ITO NI MMDA GENERAL MANAGER PROCOPIO LIPANA KUNG SAAN KARAMIHAN SA MGA DRAINAGE AY KINUNSTRUKSYON PA NUONG 1970. 


HINDI NA UMANO KINAYA NG MGA DRAINAGE SYSTEM ANG IBINABAGSAK NA TUBIG NG BAGYONG CARINA KASAMA NG HABAGAT NA AABOT SA 471 MILIMETER SA LOOB NG 24 ORAS. 


LALO PA UMANONG PINALALA ANG PAGBAHA NG MATINDING BASURA NA KASAMANG INANOD NG PAGBAHA. 


SA TALAAN NG MMDA, AABOT SA 194,990 CUBIC METERS O KATUMBAS NG 23,680.49 TRUCKLOADS NG BASURA ANG NAKOLEKTA MULA JULY 24 HANGGANG JULY 29. 


ANG NABANGGIT NA BASURA ANG NAGING DAHILAN UPANG BUMARA SA MGA KANAL, ESTERO AT ILOG NA NAGPALALA SA PAGBAHA. 


GAYUNMAN, KAPWA SINABI NAMAN NG MMDA AT DPWH NA GUMANA ANG MGA FLOOD MITIGATING PROJECTS SA METRO MANILA. 


TINUKOY KASI NA NUONG BAGYONG ONDOY UMABOT UMANO NG DALAWA HANGGANG TATLONG LINGGO BAGO BUMABA ANG BAHA HABANG SA BAGYONG KARINA AY INABOT LANG UMANO NG DALAWA HANGGANG TATLONG ARAW AY HUMUPA NA ANG BAHA SA NCR.

Free Counters
Free Counters