Tuesday, August 06, 2024

 Grace Dahil dalawang gintong medalya ang naibulsa ni Filipino gymnast Carlos yulo sa 2024 Summer Olympic Games ay umakyat na sa 20-million pesos ang ipagkakaloob na reward sa kanya ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).


sa pagbusisi ng House Committee on Appropriations sa panukalang 2025 national budget ay sinabi ni PAGCOR chairman Al Tengco na base ito sa itinatakda ng National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.


ayon kay Tengco, base sa batas ay 10-milyong piso ang reward sa kada olympic gold medal at 50 percent nito ang para sa coach at trainer ng atleta.


bunsod nito ay inihayag ni Tengco na kabuuang tig-limang milyong piso naman ang matatanggap ng coach at personal trainer ni Yulo.


narito ang bahagi ng pahayag ni PAGCOR chief  Al Tengco sa budget hearing  ng kamara 


PAGCOR chief Al Tengco 

1:46:33 -  1:47:07 

IN… i have not announced this 

OUT… coach and trainor will receive a total of 10million pesos 


#######

Free Counters
Free Counters