Saturday, August 03, 2024

 Allan PARA LALO UMANONG MAPABILIS AT MAGING EPEKTIBO SA PANAHON NG KALAMIDAD, NAIPASA NA NG KAMARA SA IKATLO AT PINAL NA PAGBASA ANG PANUKALANG MAG-AAMYENDA SA PHILIPPINE DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT ACT OF 2010z 


SA BOTOHAN, NASA 195 ANG BUMOTONG PABOR, HABANG TATLO ANG TUMUTOL SA HOUSE BILL 10422. 


SA ILALIM NG PANUKALANG BATAS, PABIBILISIN NITO ANG PAG-PROSESO AT PAG-STREAMLINE SA PAGHILING, PAGLALAAN AT PAGGASTOS NG PONDO. 


ITO AY UPANG MAISAAYOS AT MAREHABILITATE KAAGAD ANG MGA IMPRASTRAKTURA NA NASIRA NG KALAMIDAD. 


PANGUNAHING MAY AKDA SA PAG-AMYENDA SA PHILIPPINE DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT ACT OF 2010 SI HOUSE SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ. 


MAS SIMPLE NA RIN UMANO ANG MAGIGING REQUIREMENTS NG NATIONAL RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL KAGAYA NG DISASTER REPORT MULA SA LGUS AT PROGRAM OF WORK MULA SA ENGINEERING OFFICE NG DPWH. 


KASUNOD NITO, MAPAPABILANG ANG KALIHIM NG DPWH BILANG VICE CHAIRPERSON PARA SA INFRASTRUCTURE RESIELIENCE.

Free Counters
Free Counters