Saturday, August 03, 2024

 RPPt Speaker Romualdez pinakikilos Kamara para tulungan libong mangingisda na apektado ng oil spill



Agad na pinakikilos ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kanyang mga kasamahan sa Kamara de Representantes upang matulungan ang libu-libong mangingisda sa iba’t ibang lalawigan na apektado ng oil spill alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na tulungan ang mga nangangailangan.


“Hindi na natin hihintayin na humingi sila ng tulong sa atin. Tayo na ang lalapit sa kanila para alamin kung ano ang tulong na kailangan nila sa atin at sa gobyerno,” ani Speaker Romualdez.


"The livelihood of our fisherfolk is at stake. We must act quickly to mitigate the damage and provide the necessary support,” dagdag pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.


Hiniling ni Speaker Romualdez sa kanyang mga kasamahan na makipag-ugnayan sa mga apektadong komunidad sa Bataan, Pampanga, Bulacan, at Cavite upang makapagbigay ng kaukulang tulong.


"We will tap all available resources, including the TUPAD and AICS programs, to provide immediate relief and support to our fisherfolk," wika pa ni Speaker Romualdez.


Pinatitignan din ni Speaker Romualdez sa kanyang mga kasamahan, sa tulong ng mga lokla na pamahalaan, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Philippine Coast Guard at iba pang kaukulang ahensya, upang matukoy ang lawak ng pinsala ng oil spill.


Ayon sa ulat, tumatagas na ang industrial fuel at diesel mula sa dalawnag sasakyang pandagat na lumubog sa Bataan at Manila Bay area noong nakaraang linggo. Isa sa mga sasakyan— ang MT Terra Nova ay may dalang 1.4 milyong litro ng industrial fuel.


Tinatangka ng otoridad na pigilan ang oil spill.


Kasama sa mga apektado ang 11,000 mangingisda sa Bulacan na may kabuuang buwanang kita na P83 milyon; 8,000 sa Bataan na kumikita ng P63 milyon kada buwan, at libu-libong mangingisda sa Pampanga at Cavite.


Sa Cavite, nagbabala ang mga lokal na opisyal sa mga residente kaugnay ng pagkalat ng langis sa kanilang lugar,. “Oil spill alert. Coastal barangays of Ternate, Maragondon, Naic, and parts of Tanza will be affected.”


Sa pagtataya ng Marine Science Institute ng University of the Philippines aabot ang pil spill sa Bulacan at Cavite. 


Ayon naman sa Philippine Space Agency aabot sa 93.74 kilometro kuwadrado ang pagkalat ng langis sa Manila Bay. (END)

Free Counters
Free Counters