Monday, May 10, 2021

-MGA TAHANANG APEKTADO NG COVID-19 SA ILALIM NG BAYANIHAN 3, MATATATANGGAP DIN NG AYUDA

Makatatanggap din ng ayuda ang mga household o mga tahanang apektado ng COVID-19 sa ilalim ng Bayanihan 3. 


Ipinahayag ito ni Ways and Means Chairman Joey Salceda kahapon bagama’t inamin ni Budget Secretary Wendel Avisado na walang mahuhugutang pondo ang pamahalaan para maisulong na ang P405.6-bilyong Bayanihan to Arise as One Act. 


Sinabi ni Salceda na mayroong nakapaloob sa Bayanihan 3 na P5,000 hanggang P10,000 na ayuda para sa bawat household na apektado ng COVID-19 pandemic. 


Ngunit nilinaw ni Salceda na hindi ito 'universal' tulad sa P2,000 o P216-billion cash asssistance na kung saan lahat ng 108 million na mga Pilipino ay makakatanggap. 


Ayon sa kanya, ang household ayuda na ito ay 'targeted' at ibabase sa pinakamahihirap na bahagi ng populasyon. 


Ang ayuda para sa bawat pinakamahihirap na household ay 'top-up' o dagdag lamang sa mga tulong na pwedeng makuha ng mga Pilipino sa ilalim ng Bayanihan 3.

Free Counters
Free Counters