Wednesday, May 05, 2021

*VELASCO: MGA HINDI PA REHISTRADONG NARS, MAAARING IKONSIDERA NG DOH BILANG KARAGDAGANG MANGGAGAWA SA KALUSUGAN

Mananawagan si Speaker Lord Allan Velasco sa Department of Health (DOH) at sa Professional Regulation Commission (PRC), na ikonsidera at paganahin ang mga hindi pa rehistradong nars, bilang karagdagang manggagawa sa health sector, dahil sa labis na kakulangan nito sa bansa.


Sa isang panayam, sinabi ni Velasco na since na-postpone din recently ‘yung nursing board exam, actually puwede natin i-tap ‘yung mga supposedly magbo-board exam at gamitin sila bilang mga health worker.


Ayon sa Speaker, ang hindi pa mga rehistradong nars na ito ay maaaring maglingkod sa ilalim ng pangangasiwa ng mga rehistradong nars o doktor, sa isang espesyal na kasunduan sa PRC.


Nagpasya ang PRC na ipagpaliban ang unang batch ng nursing board exam ngayong taon, na nakatakda sa ika-30 at 31 ng Mayo, sa kahilingan ng Philippine Nursing Association dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19. Ang pagsusulit ay muling itinakda sa ika-21 hanggang 22 nang Nobyembre ngayong taon.

Free Counters
Free Counters