Tuesday, May 04, 2021

-BAYANIHAN 3 DETERMINADONG IPASA NG KAMARA DE REPRESENTANTES – SPEAKER VELASCO

Ipinahayag kahapon ni Speaker Lord Allan Velasco na determinado ang House of Representatives na ipasa ang ikatlong COVID-19 relief package o Bayanihan 3, upang matulungan ang mga naghihikahos na mga Pilipino, at buhayin ang lugmok na ekonomiya ng bansa dahil sa pandemya.

Sa isang panayam, sinabi ni Velasco na ang lehislatura ay naghahangad na mapabilis ang pag-apruba sa plenaryo ng panukalang Bayanihan 3, sa pagbabalik sesyon ng Kapulungan sa ika-17 ng Mayo.


Ayon sa kanya, sa kanilang pagbabalik sa ika-17 ng Mayo, mamadaliin daw nila ang pag-apruba ng Bayanihan 3.


Ang naturang pahayag ni Velasco ay kanyang ipinalabas matapos na aprubahan sa tatlong Komite sa Kapulungan habang naka recess, ang substitute bill sa ilang panukala sa Bayanihan 3.


Kailangan na lamang ng pag-apruba sa substitute bill ng Committee on Appropriations, bago ito iulat sa plenaryo para naman sa pagpasa nito sa ikalawa at ikatlong pagbasa.


Inaprubahan kamakailan lamang ng mga Committees on Economic Affairs, Social Services, at Ways and Means ang Bayanihan 3, ng halagang P405.6-bilyong pondo, na kinabibilangan ng dalawang yugto ng ayudang pinansyal na nagkakahalaga ng P1,000 bawat Pilipino.


Ang ayudang pinansyal na nagkakahalaga ng P216-bilyon ay ipamamahagi sa 108 milyong Pilipino anuman ang kanilang estado sa lipunan.

Free Counters
Free Counters