Tuesday, September 01, 2020

-Philhealth, makatatanggap ng mahigit P70 bilyong pondo sa ilalim ng 2021 Budget

Makatatanggap ng P71.4 Billion na tax payer subsidy ang Philhealth sa ilalim ng 2021 budget.

Ito ang kinompirma ni AnaKalusugan Partylist Rep Mike Defensor, chairman ng House Committee Public Accounts, kaugnay sa nalalapit na simula ng budget deliberation sa Kamara.


Bukod sa nasabing pondo, nasa P100-B kada taon ang koleksyon ng Philhealth mula sa mga miyembro nito kaya nakakalula ang pondong hawak ng state insurance company.


Dahil dito, umaasa si Defensor na magagamit ng maayos ang pondo ng Philhealth lalo pa at mayroong bagong liderato ang state insurance company sa ilalim ng bagong talagang President and CEO ng kumpanya na si former NBI Director Dante Gierran.


Nanawagan din si Defensor sa bagong liderato na tanggalin na agad ang case rate system pati na ang interim reimbursement mechanism para mawala na ang korapsyon sa ahensya.

Free Counters
Free Counters