-Ayuda sa mga biktima at pinsala sa Marawi siege, inaprubahan na sa gitna ng corona virus pandemic
Inaprubahan na sa Comittee on Disaster Resilience sa Kamara de Representantes ang panukalang “Marawi Siege Compensation Act” sa harap ng pandemya sanhi ng COVID-19.
Layunin ng panukala na bigyan ng ayudang pinansyal ang mga napinsala tulad ng pagkawasak ng mga kabahayan, mga gusali at iba pang mga ari-arian sa Marawi at iba pang apektadong lugar sa Lanao del Sur dahil sa nangyari noong 2017 Marawi siege.
Ipinagpatuloy din ng Komite na pinamumunuan ni Ormoc City Rep Lucy Torres-Gomez ang kanilang pagsiyasat sa kalagayan ng Bangon Marawi Comprehensive Rehabilitation and Recovery Program.
Dahil dito, nawagan si Torres-Gomez sa Task Force Bangon Marawi na isapinal na ang talaan upang lubos nang malaman ang tunay na bilang ng mga internally displaced persons (IDPs) at makilala ang mga kwalipikadong benepisaryo para sa programa ng pabahay.
Binigyang kahalagahan ng mambabatas ang katiyakan na magagawaran ng sapat na pabahay ang mga IDPs mula sa mga labis na naapektuhang lugar.
<< Home