Bawasan ng 30% ang budget ng pamahalaan upang makalikom ng para sa COVID-19
Itinutulak ngayon ni House Committee on Public Accounts Chairman at Anakalusugan party-list Rep Mike Defensor na bawasan ang non-essential expenditures sa ilalim ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng national budget na aabot sa P1.6 trilyon.
Sinabi ni Defensor na layon ng itinutulak niyang budget cut sa P4.1-trillion na laang pondong nasyunal na makalikom ng para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) response at social amelioration program (SAP).
Kabilang dito ang pondo sa travel na nasa P19.4 billion; training at scholarship, P32.9 billion; supplies and materials, P108.3 billion; at representation, o dining out and entertainment para sa mga opisyal at bisita na nasa P5.2 billion.
Ayon kay Defensor, kung pagbibigyan ng Department of Budget and Management (DBM) ang across the board reduction sa MOOE, maaaring makakolekta ang gobyerno ng P480 billion na ilalaan para sa mga panukala sa COVID-19 at financial assistance sa mga mahihirap.
<< Home