Paumanhin, hiningi na ng NTC sa Kamara
Humingi ng paumanhin ang National Telecommunications Commission (NTC) sa Kamara de Representantes sa pagtakas sa pangako na bibigyan nila ng provisional authority ang ABS-CBN habang dinidinig ng lehislatura ang aplikasyon ng media company para sa prankisa.
Matatandaang binigyan ng Kamara ang NTC ng 72 oras para magpaliwanag kung bakit naglabas sila ng cease-and-desist order na nagresulta sa pagsasara ng media network.
Ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano, nadiskaril ang ginagawa pagsugpo ng Kamara sa COVID-19 dahil sa ginawa ng NTC.
Inamin rin ng NTC na ikinonsidera nila ang sulat ni Solicitor General Jose Calida na ang pag-iisyu ng provisional authority ay labag sa Saligang Batas.
Pag-aaralan ng Kamara ang sagot ng NTC at magpapasya kung itutuloy ang contempt laban sa ahensiya.
<< Home