Monday, March 14, 2011

Reporma sa batsa hinggil sa SK, pinanawagan

Reporma lamang at hindi abolisyon ang kailangan sa batas hinggil sa Sangguniang Kabataan (SK).

Ito ang panawagan ni San Juan Rep Jose Victor “JV” Ejercito bunsod ng kanyang pagkadismaya sa kabila ng naging resulta ng nakaraang eleksiyon ng miyembro ng SK.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Ejercito na inakala niyang isang simpleng eleksiyon lamang noong nakaraang Liga ng mga Barangay at Pederasyon ng SK sa kanilang lugar ngunit nahaluan pala umano ito ng pandaraya.

Sinabi nn mambabatas na ang nagwaging pangulo ng kasalukuyang SK Federation sa kanilang lugar ay nanalo sa pamamagitan ng pandaraya, pananakot, at panunuhol at mismong ama nito na dating ring opisyal ng barangay, dating pangulo rin ng SK at barangay kagawad, ang may pakana nito.

Bagamat dismayado umano siya sa naging resulta ng nakiaraang eleksiyong pambarangay, naniniwala pa rin siya na dapat manatili ang pagkakaroon ng SK sa bawat barangay.

Dapat pa rin umanong may kumakatawan sa mga kabataan sa pagsusulong ng mga programang laan para sa kanila at dapat pa ring may partisipasyon sila sa anumang programang magpapaunlad sa bawat komunidad at higit sa lahat, ang SK ay dapat magsilbing sanayan ng mga susunod na pinuno.

Ayon sa kanya, bagamat hindi siya naging kasapi ng Kabataang Barangay noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, ginugol naman umano niya ang kanyang kabataan sa pagsiserbisyo sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng pagsali sa iba’t-ibang organisasyon tulad ng Junior Chamber International-Philippines o Philippine Jaycees, Kabataan ng Masang Pilipino, Estudyanteng Responsible para sa Aktibong Pamamahala at Mamamayang Ayaw sa Droga.

Dagdag pa nito na ang pagsali umano niya sa mga nabanggit na samahan ang nagbukas sa kanyang isipan sa importansiya ng kabataan sa pagpapaunlad ng komunidad.
Free Counters
Free Counters