Monday, March 07, 2011

Mga retirement benefit, ganap na mapapakinabangan na ng retirado

Mapapakinabangan na ng mga retirado ang kanilang retirement benefits dahil ipag-uutos na labing-limang araw ang itatakda mula araw ng pag-retiro, ang mga ito ay mai-relese na.

Ito ang isinasaad sa HB03862 nina Sorsogon Rep Salvador Escudero, Paranaque Rep Roilo Golez at Capiz Rep Jane Tan-Castro na nagkataong inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa kamakailan lamang.

Layunin ng panukalang ito na suspendihin ng hanggang anim na buwan ang hepe ng alin mang opisina ng pamahalaan na hindi tumupad sa loob ng labing-limang araw na itinakda ang benepisyo subalit hindi naman ito papatawan ng parusa kung may sagabal o hindi makumpleto ang release papers ng retirement benefits.

Kailangang i-sumite ng retiree ang lahat ng dokumento sa Government Service Insurance system (GSIS) anim-napung araw bago sa dumating ang takdang araw ng kanyang retiro.

Ayon kay Escudero ang maagang pagbibigay ng retirement benefits ay para matiyak na mabilis na maibibigay ang nakalaan para sa isang empleyado ng gobyerno.

Sakaling may kasong administratibo na isinampa laban sa empleyado, kailangan muna itong mapawalang-bisa sa loob ng tatlong buwan mula sa takdang araw ng pagre-retiro.
Free Counters
Free Counters