'Di ka nag-iisa, PNoy
Nagkaroon ng kakampi sa Kamara si Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa bantang excommunication ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP).
Hinamon ni Iloilo Rep Janette Garin ang CBCP na huminto sa panghihimasok sa mga gawain ng gobyerno.
Sinabi ni Garin na marami pa umanong makabuluhang bagay ang maaaring gawin ng CBCP kaysa manatiling magbulag-bulagan sa totoong problema ng lipunan.
Sana naman daw ay maging katulong sila ng gobyerno sa pagpapa-angat ng buhay ng bawat pamilyang Pilipino kaysa nakatali sa dikta ng Vatican.
Ikinalungkot naman ni Gabriela partylist Rep Luzviminda Ilagan ang banta ng Simbahang Katolika kay Pangulong Aquino.
Samantala, sinabi ni Bishop Nereo Odchimar ng Tandag, pangulo ng CBCP na hindi titigil sa mga pagpula ang simbahang kung paninindigan ni PNoy ang kanyang sinabi na bigyan ng kalayaan ang mag-asawa sa paggamit ng artificial contraceptives.

<< Home