Mga bakuna, nais bantayan upang maseguro ang kaligtasan
Magtatag ng isang sistema kung papaanong mababantayan at mapahinto ang mapamamahagi sa mga mamamayan at ang posibleng negatibong epekto ng bakuna sa tao.
Ito ang iminungkahi ni Camarines Sur Rep Luis Villafuerte, may akda ng House Resolution 1551, at ayon sa kanya, isasama sa talaan ang pagdudokumento ng mga bakuna na hindi naging matagumpay at ang naging epekto nito, pati na kung may namatay sa paggamit ng bakuna at kung ito man ay naitala sa mga pangunahing medical journals sa buong mundo.
Sinabi ni Villafuerte, napakarami na ring umanong libro ang naisulat at naipatala ng mga doctor, research groups at mga independent investigators na nagsasabi at nagbubulgar ng mga depekto, pagkakamali at kapalpakan sa mga immunization theory at practice.
Ayon sa kanya, may mga pag-aaral na na ang lumalabas ay hindi naman talaga kailangan ang bakuna at kung tutuusin limitado ang benepisyong idinuduloy nito at may masama ring epektong naibibigay ng mga bakuna sa katawan ng tao.
Mayroon na dim umanong mga kumukuwestiyon at kumikilos upang mapigilan ang pagpapatupad ng mass mandatory immunizations at umiwas sa bakuna dahil na rin sa mas marami nang magulang ang nakakaalam at nakakaintindi sa epekto ng bakuna sa katawan ng tao.
Batay sa panukala, bibigyan ng mandato ang Bureau of Food and Drugs Administration (BFAD) at ang Department of Science and Technology (DOST) at iba pang ahensiya na may kinalaman at nagsasagawa ng mga pag-aaral at research study, na muling pag-aralan at busisiin at magsagawa ng mas malalim na pag-aanalisa, pagbabantay tungkol sa mga negatibong epekto ng bakuna sa katawan ng tao.

<< Home