Monday, February 01, 2010

Vision screening program, isinusulong

Isinusulong ngayon sa Kamara ang panukalang naglalayong magkaroon ng nationwide vision screening program para maiwasan ang pagdami ng kabataan na may diperensiya sa paningin.

Sa nakapaloob sa HB07025 ni Party-list Rep Liza Maza ang pagsasagawa ng nationwide vision screening program na ipatutupad sa ilalim ng School Health and Nutrition Program (SHNP) ng Department of Education (DepEd).

Sinabi ni Congresswoman Maza, ang maagang kaalaman kung ang isang bata ay may diperensiya sa paningin ay isang paraan kung papaanong maiiwasan o magagamot ito upang magkaroon ng maraming kabataan ang maililigtas na malagay sa sitwasyong hindi makapag aral ng maayos dahil sa malabong paningin.

Ayon kay Maza, ang vision screenings at exams ay makakatulong upang maiwasan ang isang pangmatagalang gastusin na maaaring harapin ng isang bata at pamilya nito, kung hindi agad malalaman ang kalagayahn ng mata ng isang bata.

Batay sa pag aaral na ginawa ng Helen Keller Worldwide Foundation aniya, mayroong 20% hanggang 25% ng mga kabataan na nasa edad 11 hanggang 14 sa Pilipinas, ang may malabong paningin sanhi upang hindi sila makapag aral ng maayos at maapektuhan ang kanilang buhay.

Dagdag pa ng mambabatas na ang maagang kaalaman kung malabo ang paningin ng isang bata ay makakatulong upang maiwasan ang paglala nito.

Batay sa panukala, ang bawat pampublikong paaralan sa elementary at sekondarya ay aatasang magsagawa ng vision screening program sa ilalim ng kani-kanilang SHNP at ang mga tauhan ng SHNP ang aatasang magsagawa ng basic vision screening assessment.

Maaari umanong isama ang vision screening sa taunang health assessment sa lahat ng antas sa elementarya sa ilalim na rin ng pangangasiwa ng Regional Health and Nutrition Units at ng Division Health and Nutrition Sections.

Lahat ng mag-aaral sa Grade 2 at 1st year ay kailangan sumailalim sa isang mandatory, age-appropriate annual vision screening.

Sa ilalim ng panukala, may 10 part-time o full-time na lisensyadong ophthalmologist/optometrists ang maaaring kunin ng pamahalaan bilang mga consultants, referents at additional screening personnel sa bawat distrito o health unit sa buong bansa
Free Counters
Free Counters