Thursday, January 21, 2010

Ekstensiyon ng termino ni Gen Ibrado, kinatigan ng mga mambabatas

Kinatigan ng mga mambabatas sa Kongreso kahapon ang balak ng administrasyon na palawigin ang termino ni outgoing Armed Forces of the Philippine (AFP) chief of staff Gen Victor Ibrado para maseguro ang katatagan ng bansa sa panahon ng eleksiyon.

Sinabi nina Paranaque Rep Roilo Golez, Muntinlupa City Rep Ruffy Biazon, Rep Teofisto Guingona III at Cavite Rep Joseph Emilio Abaya na ang patuloy na panungkulan ni Ibrado hanggang sa ika-30 ng Hunyo ay kailangan habang aantabayanan ng bansa ang krusyal na pagsalin ng kapangyarihan matapaos ang eleksiyon.

Ayon kay Golez, maganda ang naging desisyon dahil si Ibrado ay isang competent at non-controversial na officer kung saan ang kanyang leadership ay nakatulong sa katatagan ng AFP at ng peace and order situation ng bansa lalu na sa nalalapit na eleksiyon.

Ipinaliwanag naman ni Biazon na ang pananatili ni Ibrado sa posisyon ay makakatulong na maiwasan ang power play sa military sa panahon ng eleksiyon.

Naniniwala si Biazon na mahalaga ang nabanggit na ekstensiyon upang maseguro na mayroong continuity at consistency sa pamamahala ng peace and order concerns ng eleksiyon sa panig ng AFP at ang transisyon ng liderato sa gitna ng eleksiyon ay hindi nararapat.

Sinabi naman ni Guingona na ang pagpapalawig ng termino ni Ibrado ay makapagbibigay daan at ng free hand na magtalaga ng panibagong AFP chief para sa susunod na pangulo ng bansa.

Ayon naman kay Abaya, ang pag-extend ng termino ni Ibrado ay pinapayagan batay sa saligang batas at ito ay nangyari at ginawa na ng mga nakaraang pangulo ng bansa.

Naniniwala si Abaya na ang extended term ni Ibrado hanggang sa ika-30 ng Hunyo ay makapagdudulot ng magandang interes para sa lahat ng sektor ng lipunan.
Free Counters
Free Counters