Wednesday, January 20, 2010

Pagsasa-propesyunal ng pagtuturo, isinusulong

Iminungkani ni Party-list Rep Jonathan dela Cruz ang pagsasa-propesyunal ng pagtuturo sa bansa.

Sinabi ni dela Cruz sa HB07008 na magkaroon ng isang sistema kung saan pag-iisahin na ang licensure, assessment, qualification at ang professional development ng lahat ng guro sa bansa.

Aamiyendahan ang RA07836 na inamiyendahan ng RA09293 o ang Philippine Teachers Licensure and Professional Development Act of 2009 upang maiangat ang sistema ng teacher licensure o
certification.

Ayon kay Dela Cruz kulang sa rules and regulations na ipatupad ang mga probisyon sa kasalukuyang batas na may kinalaman sa pagpapaunlad ng propesyon sa pagtuturo at mismong sa pagpapaunlad at pagsasa-propesyunal ng edukasyon sa bansa.

Nais lamang aniya na tutukan ng panukalang ito ang pag-papaunlad sa paraan ng pagtuturo ng mga guro sa ating bansa at magmula pa nang ipatupad ang mga kasalukuyang batas, walang malinaw na programa kung papaanong mapapaunlad pa ang sistema ng pagtuturo ng ating mga guro.

Ayon pa sa kanya, ito ang magiging daan upang mapaunlad pa at lalong mapalawak, maisaayos at mapangasiwaan ng tama ang Teacher Licensure Examination at kapag tuluyan aniya nang naisabatas ang naturang panukala, ang sistema ng Teacher Entry, Retention at Advancement sa pagtuturo ay tuluyan nang naisasa-propesyunal.
Free Counters
Free Counters